Ang Kagandahan ng Museong Pilipino

        Ang National Museum ng Pilipinas ay isang pangunahing institusyon ng kultura at sining sa bansa. Ito ay nagtatampok ng iba't ibang pag-aari ng Pilipinas tulad ng sining, arkeolohiya, likhang sining, at iba pa! 

 

      
    
Bukod sa magandang tindig ng bawat haligi nito, talaga namang magaganda rin ang mga nasa loob ng museo. Sa pagpasok sa loob ng museo, ang aking unang nakita sa loob ng ay ang statwa ng ating bayani na si Dr. Jose P. Rzal at ito ay nakapwesto sa gitna. Sa mga susunod na paglilibot namin ay may mga iba’t ibang larawan kaming nakita tulad na lamang ng Spoliarium na isa sa mga sikat na larawan sa museum, Planting Rice,  España Y Filipinas, at iba pa.



        Makikita rin sa loob ng magandang museo ang mga nakapreserbang lalagyan tulad na lamang ng Bushy Sea Rod, Black Spotted Sea Cucumber, Thorny SeaHorse, at iba pa. Na talagang nakapagbigay sa akin ng kaalaman na may mga ganitong klase sa ilalim ng karagatan!


        Sa mga sususnod na paglalakbay ko sa loob nakita ko ang iba’t ibang klaseng buto o fossils ng hayop. At ang pinaka kinamanghaan ko ay ang mga naipreserbang mga bungo ng  Tyrannosaurus Rex, Ceratosaurus Nasicornis, at Camarasaurus Grandis.


      Sa pagpunta sa isang magandang museo,  Ito ay isang atraksyon na labis na binibisita hindi lamang ng mga lokal na manlalakbay kundi pati na rin ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo.

       

     Sa  pag-alis sa lugar na ito, hindi maaalis sa aking isipan ang kagandahang dala ng mga larawang aking nakita dahil ito ay isang tahanan ng kagandahan at kasaysayan na patuloy na pinahahalagahan at tinatangkilik ng mga Pilipino.


 


Mga Komento

Kilalang Mga Post