Magandang tanawin sa Dahilayan Adventure park
MAGANDANG TANAWIN SA DAHILAYAN ADVENTURE PARK !
ni: Denica A. Torres
Ang Dahilayan Adventure Park ay matatagpuan sa Manolo Fortich sa lalawigan ng Bukidnon. Ito ay malapit sa paanan ng Mount Matingkad at ang tuktok ng bundok ay makikita mula sa lugar ng parke kapag ito ay walang ulap na araw. Ang parke na ito ay ang pinaka-binibisitang destinasyon ng mga turista sa Bukidnon at nag-aalok ng iba't ibang pakikipagsapalaran na tiyak na magugustuhan mong subukang muli at muli. Ito ay isang magandang lugar para sa mga pamilya at mga kaibigan na gusto ng bonding time at isang kapana-panabik na karanasan. Makakahanap ka ng maraming aktibidad na madali, masaya, at nakakakilig.
May matataas na pine tree at may mahamog na lupain na may katamtamang panahon. Dito sa dahilayan adventure park ay kahit sobrang lamig pero sobrang saya kasi kasama ko ang aking pamilya, nag ayaan kami na subukan ang iilang rides kahit sobrang mahal ng bayad kasi ngayon lang kami nakapunta ng mindanao kaya sinulit na namin kasi hindi mapapalitan ng pera ang buhay natin o saya.Unang rides na sinubukan namin ay ang ZIPLINE ito ay may pinakamahabang wire na nasa 840M at may kataasan ito ng 4500ft.First Time ko lang rin sumakay dito at sobrang natakot ako kasi nalulula ako kapag sobrang taas yung tipong malalaglag na ako.Pagkatapos namin sumakay sa Zipline Kumain na rin muna kami mag pamilya bago ulit sumakay sa ibang rides. Sobrang saya sulit na sulit at uulit ilitin talaga. Hindi lang sa rides ang nagustuhan ko kasi maganda rin yung view doon puro puno sobrang lamig mararamdaman mo na parang nasa baguio ka. Kaya san kapa? Subukan niyo na inyong pamilya para masaya!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento