Ang Pintig ng Puting Buhangin at Hiwaga ng Boracay Island!
Ang Pintig ng Puting Buhangin at Hiwaga ng Boracay Island!
ni: Lindsay Carel A. Bautista
Sa paglalakbay sa Boracay Island, nadama ko ang maalindog na tinig ng mga alon at nasilayan ang ginto'y kulay ng buhangin. Isang pambihirang karanasan ang pagtahak sa puting buhangin, na tila'y humahawak sa puso't diwa ng isla. Halina at samahan niyo ako kasama ang aking
pamilya sa paglalakbay sa isa sa pinaka magandang isla ng Pilipinas, ang Boracay Island!
Noong Setyembre 06, 2023 ay nag bakasyon ang aking pamilya sa Boaracay Island sa hilagang-kanlurang baybayin ng Panay. Naisipan ng aming Pamilya na dito ganapin ang darating na kaarawan ng aking ina sa ika-8 ng Setyembre. Ang bakasyon ito ay isa sa mahalagang pangyayari sa aming buhay dahil sa unang pagkakataon, makakasakay kaming tatlong magkakapatid sa eroplano! Mula Bulacan, ay bumyahe kami sa Ninoy Aquino International Airport at lumapag ang eroplano sa Caticlan Airport. Mula Airport ay sumakay kami sa Ferry papuntang isla at dito ko napatunayan na ang Boracay ay isang paraiso.
Sa ganap na alas singko ng hapon ay nasaksihan ng aking mga mata ang paglubog ng araw sa kalmadong dagat at sariwang hangin na humahaplos sa aking balat. Sa Calypso Hotel ng station 3 kami tumuloy na masasabi kong sulit na sulit dahil bukod na tapat lang nito ang dagat, masasarap ang mga pagkain na kanilang inihahanda! May live band pa sa gabi!
Sa mga sumunod na araw ay sinulit namin ang mga pagkakataon na mag island hopping na sulit na sulit ang bayad mong 1500 per pax at mapupuntahan na ang mga ibat ibang isla na kanilang pinagmamalaki kasama na dito ang Puka beach, Ilig-iligan Beach, Crystal Cove at Kawa bath na may tanghalian pang kasama!
Syempre, hindi ako magpapahuli sa Mandatory Crystal Kayak ng Boracay! Sa halagang 250 may pang-ig post ka na!
Ang isa sa masayang araw sa aming paglalakabay sa Boracay ay ang pagdiriwang ng kaarawan ng aking Mama! Mahal na mahal kita Ma!
Sa huling araw, Parasailing ang aming napiling aktibidad sa halagang 4000. Ang aking puso at isipan ay parang lumulutang sa ganda ng Boracay, na kahit sa pag uwi ko ng Bulacan ay isang toneladang gawain ang aking hahabulin pagpasok sa eskwela.
Nakilala ko ang mga taong may pusong malambing, handang magbahagi ng kahulugan ng "Maligayang Pagdating." Sa hapag-kainan, nilasahan ko ang kasaysayan ng isla sa bawat lutuing inihahain. Hindi lang ako naglakbay sa pisikal na anyo ng isla, kundi sa mga kwento ng mga taong nagbibigay-buhay dito.
Ang isa sa masayang araw sa aming paglalakabay sa Boracay ay ang pagdiriwang ng kaarawan ng aking Mama! Mahal na mahal kita Ma!
Sa huling araw, Parasailing ang aming napiling aktibidad sa halagang 4000. Ang aking puso at isipan ay parang lumulutang sa ganda ng Boracay, na kahit sa pag uwi ko ng Bulacan ay isang toneladang gawain ang aking hahabulin pagpasok sa eskwela.
Boracay, isang pook ng kamangha-mangha at hindi malilimutang mga alaala. Ito'y hindi lang isang isla; ito'y isang karanasang bumabalot ng pagmamahal at kakaibang ganda.
Napasaya mo ang aking Pamilya!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento