Paglilibot sa Kayamanan ng Pambansang Museo ng Pilipinas

Paglilibot sa Kayamanan ng Pambansang Museo ng Pilipinas

 ni: Joanne Beatrice A. Carbon

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay isang institusyon na naglalaman ng mga mahahalagang likas at kultural na yaman ng bansa, kabilang ang sining, kasaysayan, at kultura. Ito ay naglilingkod bilang sentro ng edukasyon at pagpapahalaga sa kahalagahan ng mga alaala at artefakto na nagpapakita ng yaman at kabihasnan ng Filipino.


Sa aking pangatlong beses na paglalakbay sa Pambansang Museo ng Pilipinas, nadama ko pa rin ang kamangha-manghang pag-usbong ng ating kultura at kasaysayan. Sa bawat hakbang, masusing iniukit sa mga likha at artefakto ang kwento ng mga naunang henerasyon. Kasabay ng paglalakad sa mga galeriya, tila nagiging buhay ang mga pintura, nagtataglay ng mga lihim na nagbigay anyo sa ating identidad bilang bansa. Isang paglalakbay na hindi lamang nagpapalalim sa kaalaman, kundi nagbubukas din ng pinto sa kahulugan ng ating pagiging Pilipino.


Walang kapantay ang kagandahan ng mga obra ng mga magagaling nating pintor sa Pilipinas. Ang kakaibang pagsasanib ng kulay at ang kakaunting galaw ng pinta ay tila nagsasalaysay ng mga 
na bumabalot sa kasaysayan at kultura ng ating bayan. Sa bawat sipat ng mga obra, tila ba ako'y dinala sa nakaraan, at nadama ko ang matindi at makulay na damdamin ng mga alagad ng sining na ito. Talaga nga namang napakayaman ng ating kultura, at ang mga pintor ay nagiging tagapagtaguyod ng kakaibang ganda ng ating bansa.


Ito ang aking mga nakita na tunay na nakapukaw sa aking damdamin na tila ba ako ay ibinabalik sa nakaraan at hinahatid ako sa iba't ibang yugto ng ating kasayasayan, naglalarawan ng kahalagahan ng bawat panahon sa pag usbong ng ating kultura. Dahil ang aking bawat pag hakbang ay parang paglipat sa iba't ibang dimensyon ng kaalaman, kung saan ang mga imahe ng mga bayani, kultura ng mga tribo, at kasaysayan ng mga unang mamamayan ay naglalaro sa aking isipan. 

 



Sa pagtatapos ng aking paglalakbay, bumabalik ako sa labas na may bagong pang-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan. Ang Pambansang Museo ng Pilipinas   ay hindi lamang isang pasyalan, kundi isang sagradong lugar ng pag-asa at pagbibigay-kahulugan sa ating pag-iral. Sa bawat likhang sining at orihinal na artefakto, nakita ko ang sarili ko bilang bahagi ng masalimuot ngunit kahanga-hangang kwento ng Pilipinas.


                        



Hindi lamang ito isang paglilibot, kundi isang paglalakbay na nag-alok ng mas malalim na pang-unawa sa aking pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Isa itong magandang karanasan na kailanman hindi ko malilimutan!

 

.






Mga Komento

Kilalang Mga Post