Mata'y Itingala sa Tila Paraisong Ganda ng Philippine Arena
Mata'y Itingala sa Tila Paraisong Ganda ng
Philippine Arena
ni: Jhaymar C. Leabres
Ang lugar na ito ay ang "Philippine Arena." Kung ating susukatin, ang lugar na ito ay hindi naman masyadong malayo, ngunit ang lugar na ito ang nagsilbing dahilan kung bakit ako naging ganto kalayo. Ang lugar na ito ay puno ng mga tanawing magniningning sa iyong mga mata, mga halamang nagiging maganda na sumasayaw kasabay ng pag-awit ng hangin, at isang kapilya na tila paraiso na itinayo ng Diyos upang pagdausan ng pagsamba sa kanya ng kanyang mga anak.
Ngayon, balangkasin natin kung paano ako nabago ng paglalakbay na ito. Sa araw na ito, mayroong kaganapan sa mga Iglesia ni Cristo, pumasok kami sa tila palasyong ganda ng Philippine Arena. Nagturo ang ministro ukol sa paksang "Pagbabagong buhay." Itinuro niya kung paano nakalulugod ang Diyos sa mga taong nagbabagong buhay at iniiwan ang kanilang masamang balat sa nakaraan at bumabalik sa kalooban ng Diyos. Ang pagtuturong ito ang nagsilbing dahilan kung bakit narito ako sa yugto ng aking buhay kung saan patuloy akong lumalaban sa harap ng mga kabagabagan dahil alam kong kasama ko ang Diyos.
Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng kahulugan at patutunguhan ang aking buhay, kaya't patuloy akong tumatayong matuwid hanggang sa ngayon. Ang paglalakbay na ito ang nagbigay ng aral sa akin na lumakad sa kalooban ng Diyos at iwan ang mga kilos na nakalalabag sa kanyang mga utos. Ang aral na ito ang gumabay sa akin hanggang ngayon, dahil alam kong lumalakad ako ngayon sa daan na inilaan ng Diyos para sa akin. Ito nawa'y magsilbing aral din sa lahat, dahil ayon sa mga aral ng Diyos, "Kung ang iyong lalakaran ay ang sarili mong daan, nakatakda kang mabigong makamit ang iyong patutunguhan."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento