LUNETA PARK

Ipinasa ni Mary Jane Ventura 

12 STEM - KEPLER 


Ang Luneta Park o Bagumbayan ay isa sa makasaysayang lugar dito sa Pilipinas, dahil dito binaril si Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30 1896. Tinuturing ito na isa sa pinaka-malaking parke sa timog- silangang asya at ang Rizal Park ay may sukat na 58 hectares.


Ang aking karanasan sa Luneta Park ay nangyari noong Enero 01, 2024. Kasama ang aking pamilya, pagpasok pa lamang namin sa luneta park ay bumungad sa amin ang malaki at nagsasayawang fountain sa gitna. Maraming tao ang nagpapakuha ng litrato doon, at habang naglalakad kami ay may photographer na lumapit sa amin at inaalok kami na kuhaan ng litrato sa may fountain sa halagang 150. Noong una ay tumanggi kami, ngunit kinalaunan ay nagpakuha kami ng litrato sa rebulto ni Dr. Jose Rizal. 




Noong naghahanap naman kami ng pwesto para kainin ang baon naming pagkain ay nakita namin ang tinatawag na "Japanese Garden", namangha akonsa suot na damit ng guwardya doon dahil mukha itong pang sinaunang hapon na animo'y bumalik ka sa nakaraang panahon. Kung lilibutin mo pa ang Japanese Garden ay marami pang lugar doon na magandang kunhanan ng litrato. 



Nang makarating na kami sa rebulto ni Jose Rizal ay may dalawang guwardya doon na hindi gumagalaw at nagbabantay lamang, dito kami nagpakuha ng larawan na agad nai-printa. Hindi maikakaila na tunay ngang malawak ang luneta park kaya't hindi maiiwasan na mapagod sa paglalakad, ngunit ayos lamang iyon dahil sulit naman ang aming mga magaganda lugar na aming  nakita.

Mga Komento

Kilalang Mga Post