Sumlang lake
ni: Harieth Nicole E. Bonavente
Sa probinsya ng Bicol, matatagpuan ang iba't ibang pasyalan na binabalik-balikan ng maraming tao dahil sa magagandang tanawin. Isa sa mga popular na destinasyon dito ay ang Mayon Volcano, na kilala sa perpektong tatsulok at kahanga-hangang tanawin. May isa pang lugar sa Albay na hindi lang ang Mayon ang makikita kundi pati na rin ang isang lawa, na kapag tinitingnan ay nagbibigay ng saya at mapapasabi kang "Ang ganda rito"
Sa Albay, makakakita ng iba't ibang atraksyon na nag-aalok ng relaxasyon at kapayapaan para sa mga turista. Noong bumisita kami, naramdaman namin ang ligaya sa simoy ng hangin at nasilayan ang kagandahan ng lawa at ang perpektong hugis ng Mayon. Isang lugar na talagang masasabi mong "worth it" dahil sa linis ng kapaligiran at mga magagandang tanawin.
https://www.klook.com/en-PH/activity/29943-sumlang-lake-tour-albay/ |
Disclaimer: Sa aming pagbisita, hindi pumapakita ang Mt. Mayon ngunit sa unang pagpunta ko dito, nakita ko ang kanyang perpektong hugis tulad ng nasa litrato. Sa pangalawang pagbisita, hindi ko ito nasilayan dahil sa masamang panahon, kaya naghahanap ako ng alternatibong larawan sa Google upang ipakita ang kagandahan ng Sumlang Lake kasama ang Mt. Mayon.
Noong Oktubre 30, 2023, nagbakasyon kami sa Bicol at isa sa mga pinuntahan namin ay ang ipinagmamalaki ng Albay na Sumlang Lake, matatagpuan sa Barangay Sumlang, Camalig, Philippines.
Sa halagang 100 pesos na entrance fee, pwede mo nang libutin ang magagandang tanawin sa lugar. Sa bawat bahagi ng Sumlang Lake, makikita ang mga tanawin na maingat na inaalagaan ng mga taga-pangalaga. Ang mga nagtatrabaho rito ay mababait at handang ipakita ang mga kagandahan ng lugar. Maari rin sumakay sa bangka at maglibot sa buong lawa. Marami rin kainan na nag-aalok ng masarap na pagkain, at isa sa mga pinakapopular dito ay ang SOCORRO'S. Malinis at maganda ang lahat ng bahagi ng kainan, at masarap ang kanilang menu tulad ng Bicol Express, Laing, Pancit Bato, at Pinangat, mga sikat na pagkain sa Bicol. Maganda rin itong kuhaan ng litrato dahil sa mga magagandang dekorasyon na makikita dito.
SOCORRO'S |
Sa natural na ganda ng lugar nagmula ang aming kasiyahan, kundi pati na rin sa mga taong nag-aalaga sa Sumlang Lake. Ang mainit na pagtanggap ay nagdagdag ng saya sa aming karanasan. Sa bawat pintig ng puso at halakhak, naiwan namin ang Sumlang Lake na puno ng mga espesyal na alaala. At hindi lang kami naglibot sa magagandang tanawin, kundi naranasan din ang init at kagandahan ng puso ng mga taong nasa paligid. Sa aming pag-alis, naiwan namin ang Sumlang Lake na puno ng pagpapasalamat at pangako na babalik kami para sa mas marami pang pag-ibig at pag-rediscover sa kagandahan ng Bicol.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento