Pinakamalaking Amusement Park sa Pilipinas, Ating Tunghayan!


Pinakamalaking Amusement Park sa Pilipinas, Ating Tunghayan!

ni: Ira Fionnah C. Aricayos


            Isa sa pinakakilala at pinakasikat na amusement park dito sa Pilipinas ay ang Enchanted Kingdom. Daan-daang mga tao ang dumadagsa rito araw-araw para ma-enjoy ang mga rides na maaaring sakyan dito. Halina't lakbayin natin ang Enchanted Kingdom!


 

        Nagkalat ang malalaking rides na makikita sa paligid nito ngunit ang unang-unang sasalubong sa entrance ay ang fountain. Marami ring mga bench sa paligid nito na maaaring upuan sa tuwing napapagod na kalalakad sa lawak ng lugar. Halos lahat ng rides ay nasakyan ko at talaga namang lahat ng ito ay may kakaibang saya na dala. Isa sa pinakauna kong nasakyan ay ang "Air Race" kung saan walang tigil kang paiikut-ikutin sa ere. Hindi mawawala ang pagsakay sa
"Anchor's Away" at "Ferris Wheel" na talaga namang inaabangan ko. Ngunit hindi rin pahuhuli ang "Twist Spin" kung saan tila isa itong Roller Coster ngunit umiikot ang upuan. Pumasok din kami sa "Alcatraz" kung saan isa itong  Horror House na talaga namang nakakikilabot at nakagugulat. Nawala ang boses ko kasisigaw dahil sa pagkagulantang sa mga aswang na lumalabas. 





        Ang tatlong pinakapaborito ko sa lahat ng ito ay ang "Rio Grande", "Disk-O-Magic", at "Space Shuttle" na talaga namang binigyan ako ng kakaibang karanasan na hinding-hindi ko malilimutan. Hindi lamang din ang mga rides ang highlight ng Enchanted Kingdom ngunit pati na rin ang mga attractions na maaaring puntahan. Marami ring mga food stall na maaaring bilhan ng pagkain at mga souvenir shops na pwedeng bilhan ng mga gamit tulad ng damit, keychain, wallet, bag, at iba pa. Marami ring mga rides na pambata kaya't masasabi nating ang Enchanted Kingdom ay maaaring puntahan ng kahit sino — bata, matanda, may ka-date man o wala. Sa aking karanasan naman, kasama ko ang aking pamilya at masasabi kong lubos naming nagustuhan ang pagpunta namin dito.

            Hinding-hindi ko malilimutan ang ligayang nadama ko sa araw nang pagpunta namin dito. Bukod sa ito ang unang beses na nakarating ako dito, lubos ding tumatak sa aking isipan ang ganda ng fireworks noong gabi na iyon. Sulit na sulit at hindi nakapagsisisi na ito ay bisitahin. Talaga namang iba ang tuwa na dala ng Enchanted Kingdom.

Mga Komento

Kilalang Mga Post