Lakarin ang Calle Crisologo

 Lakarin ang Calle Crisologo



Sa aking paglalakbay kasama ang aking pamilya, isa sa aming napuntahan ay ang '"Calle Crisologo" na kilala sa orihinal na ngalan niya na "Calle de Escolta de Vigan" at minsan tinatawag din itong "Mena Crisologo" dahil matatagpuan ito sa Lungsod ng Vigan sa probinsya ng Ilocos Sur kung saan ipinanganak ang isa sa mga sikat at nirerespeto sa buong Ilocos Region ang Ilocanong politiko at manunulat na si Mena Pecson Crisologo noong kaniyang kapanahunan.



 Bago kami pumunta ng Calle Crisologo kami ay nag hanap muna ng mapag papahingahan kaya kami ay nanatili muna sa isang hotel na tinatawag na Fiesta Hotel Garden na nababalot ng kulay dilaw at puti na pader at malalawak na pasilidad at malalaking kwarto.



Kinagabihan, kung kailan marami nang bituin kami ay nag tungo na sa Calle Crisologo, at sa aming paglalakad medyo malamig ang simoy ng hangin. Sa kalye ng Calle Crisologo, matatanaw mo ang 200 na lumang bahay na naitayo mula pa noong ika-16 na siglo, ang mga lumang bahay na ito ay ginawa nang bahay bilihan ng mga pampasalubong, hotel, kainan na maaari mong pasyalan at daanan habang tinatahak ang daan ng Calle Crisologo.







Hindi lamang ang mga lumang bahay at tanawin sa calle crisologo, ang aking kinamamanghaan kundi pati narin ang nananatiling kultura at tradisyon din ng mga naninirahan dito ay aking kinamamanghaan tulad nalang ng kanilang sipag at kabaiitan, aming nakikita noong naglalakad kami ang mga kalesa na dito sa lugar nalang na ito makikita na patuloy na ginagamit at pinagakakakitaan ng mga lokal na taong nainirahan sa lungsod na ito.















At sa aming pag alis sa lugar ng Calle Crisologo dala dala namin ang aral ng kasaysayan ng lugar na ito at pati narin ang magandang halimbawa na ipinakita sa amin ng mga taong nanirahan dito.

Mga Komento

Kilalang Mga Post