Sa Pagsalok ng Alon sa MOA


Sa Pagsalok ng Alon sa MOA: 

Isang Araw ng Paglalakbay sa Bay City, Pasay

Ni: Andrei Louise I. Castillo

       Sa pagbabalik-tanaw sa aking nakaraang paglalakbay, narito ang aking kwento sa pag-ibig, pagpapasya, at pagkakataon habang inuusbong ang makulay na kaaranasan sa Mall of Asia o mas kilala sa bansag na MOA.

    Mall of Asia, na kilala sa salinlahi bilang "MOA", matatagpuan sa lungsod ng Pasay, ay kilala bilang isa sa mga pinakasikat na pook pang libangan at mga paboritong tanawin ng bawat pamilya at mag kakaibigan. 

    Sa pagtapak sa malawakang lugar ng MOA, ako'y nalibot ng alon ng tao, mga ngiti, at halakhak. Ang bawat sulok ay tila isang eksena sa telebisyon ng pag-ibig, kung saan bawat pares ay nagtataglay ng kanilang sariling mga kwento. Ang puso ko'y napuno ng mga tanong sa bawat tiyak na sulok, bawat lingon, mayroong tindahan ng mga kapeng inumin, kakaibang mga lutuin na naglalaro ang mga lasa, at mga pabibo at makukulay na palaro, tila ang mata ko ay nabuhayan sa kasiyahang hilig na may pwersa. 

    Sa bawat tahak ng mga hakbang, tila ba'y sumasabay ang puso ko sa ritmo ng mga alon, ramdaman ko sa aking balat ang init ng sikat ng araw, at kahit naglalakad sa tibay ng semento, ang bawat paglipat ng bawat hakbang ay parang pagsalok sa mga makukulay na pahina ng kaharian ng lugar ng kasiyahan. Sa pagtunog ng oras, dumako ako sa tabing-dagat upang masilayan ang huling saglit ng lihim na paglalakbay ng araw, bawat hampas ng alon sa mga naglalakihang bato ay nagbibigay buhay sa tanawin, naglalaro sa alapaap at nagpapahayag kung saan matatagpuan ang mga iba't-ibang uri ng pwedeng paghugutan ng kasiyahan.

     Isang sulyap ko lamang sa mga daan, tanging aking daigdig ay nagiging walang hanggang palaisipan. Pag-ibig lamang talaga ng mga tao ang panghabang-buhay na aking nakikita na puno ng kulay. Ako'y naglakbay hindi lamang sa kakaibang pasyalan, kundi sa mas malalim na bahagi ng pag-ibig at pagkakataon. Dito ko natutunan na ang bawat koneksyon, interaksyon, at kwentuhan ng bawat magkakaibigan ay parang alon—hindi mo alam kung saan ito dadalhin, ngunit ang kahalagahan ay matatagpuan sa bawat sandali ng samahan. At sa pagtatapos ng araw, umuwi akong may bitbit ng mga ala-ala ng mga masayang sandali. Ang MOA ay mas higit pa bilang isang lugar; ito'y isang pagmamahalang inaabangan, isang pagsasama ng mga damdamin, at isang pag-usbong ng bawat puso. Dito, hindi ko naramdamang naglalakbay ako mag-isa; naramdaman ko ang pagsabay sa alon na nagbibigay saysay sa bawat paglakad ng aking paglalakbay.

Mga Komento

Kilalang Mga Post