Ulan na may Onting Baguio

Ulan na may Onting Baguio 

Ni: Rhoyz O. Tuazon


Sa madaling araw, nagsimula ang aming paglalakbay patungo sa Baguio, ang tinatawag na "Summer Capital of the Philippines." Sa pagtahak namin sa mahabang biyahe, nadama namin ang umaakyat na malamig na hangin at nag-uumapaw na ganda ng kalikasan.

Pagdating namin, agad kaming nagtungo sa Burnham Park. Ang saglit na pagpapahinga ay nagbigay daan sa aming paglakbay sa pintoreskong parke. Ngunit sa gitna ng aming pag-iikot, biglang dumating ang isang malaking aso na nagdala ngiti sa aming mga labi. Isang di-inaasahang pag-awit sa tunog ng sipol ang naging unang karanasan namin sa Baguio.


Kinabukasan, binisita namin ang The Mansion, isang markadong istruktura sa lungsod. Ngunit tila ito ang pagkakataon na naisipan ng langit na bigyan kami ng "blessing" ng ulan habang nagpipicture sa harap ng istruktura. Walang anuman, dahil ang kaharian ng ulap ay nagbigay ng mas lalong kahulugan sa aming pagbisita.










Ang aming paglalakbay sa Baguio ay kinulminar sa pagbisita sa Center Mall. Dito, inabot kami ng pangangati sa aming mga mata ng pila sa isang kilalang restawran. Ngunit sa huli, napagpasyahan naming tikman ang lutong-bahay ng Mang Inasal, isang masarap at murang alternatibo na sa Baguio lang makikita :) .

Hindi namin inaasahan ang pagtutulungan ng langit at panahon, dahil mula araw ng pagdating namin hanggang sa aming pag-alis, ang ulan ay nakapag pigil sa aming malayang pag gala.

Bago din umwi, sinigurado ng tita ko na kahit strawberry man lang ay maka bili siya bilang pasalubong, ang problema nga lang ay sobrang mahal naman ng mga prutas na ito, at ang hindi pa magaganda ang inilagay sa supot.


Sa bawat hakbang na tinahak namin sa Baguio, napatunayan namin na ang totoong ganda ng paglalakbay ay nangyayari sa mga di-inaasahan at masalimuot na pagkakataon. Ang aming pagbisita sa lugar na ito ay nagdulot sa amin ng mga alaala na hindi malilimutan, na nagpapatibay sa ideya na ang paglalakbay ay hindi lamang sa destinasyon, kundi sa mga pangyayari at karanasan sa bawat yugto ng paglalakbay.















Mga Komento

Kilalang Mga Post