Pagmasdan ang natatagong paraiso ng Bataan
Pagmasdan ang natatagong paraiso ng Bataan
ni Dan Carlo Delos Santos
Sa isang bayan sa lalawigan ng Bataan na tinatawag na Morong ay matatagpuan ang Reysam Resort. Ito ay kilala sa pagiging payapa at may magandang tanawin. Dito madalas pumupunta ang mga gustong mag pahinga at malayo sa ingay dala ng social media, sa kadahilanang ito ay nakapwesto sa bundok na nag sanhi ng kawalan ng internet o wifi.
Kung ang iyong nais ay mag muni-muni at magbasa, sa Reysam Resort ay pwedeng pwede dahil may mga upuan at lamesa ito malapit sa dagat, tiyak na madarama mo ang kapahingahan sa himig ng malumanay na mga alon na nagbabangaan, dampi ng malamig na hangin at nagsasayawang mga puno na nakapalibot dito. Dahil sa kawalan ng internet mas napahalagahan ko ang ganda ng kalikasan, napansin ko ang mga simpleng bagay na tila ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin, katulad ng pakikinig sa huni ng mga ibon, pag nonood sa mga punong na tila ay nagsasayawan. Upang palipasin ang oras ginawa ko ang mga bagay na nakalimutan ko ng gawin tulad ng pagbabasa at pag guguhit.
Hindi rin mawawala dito ang mga pagkain na patok sa tag-init tulad ng mga sorbetes, shake, at iba pang inumin na papawi ng iyong uhaw. Ito ay bagay na bagay dahil habang ikaw ay kumakain ng iyong sorbetes ay sa iyong harapan ay makikita mo ang ganda ng dagat na sinasabayan ng hampas ng mga alon. Habang kumakain ng matamis at malamig na sorbetes ay nakipag usap ako sa aking pamilya tungkol sa kanilang mga ganap sa buhay at nalaman ko ang mga bagay na 'di ko alam na pinagdaraanan pala nila, bigla akong tinapik ng reyalidad na hindi pala umiikot lang ang mundo sa social media at pag-aaral.
Sinulit namin ang araw sa pag langoy sa dagat at pagsalubong sa mga alon na paparating, napuno ng tawanan at galak ang aming pag langoy habang pinapanood ang pagtulak sa'min ng mga alon pabalik, ngunit tuloy parin kami sa pag langoy.
Para naman sa mga gustong sulitin ang ganda ng gabi ay ang Reysam Resort ay nagbibigay aliw sa mga narito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga eksibisyon at pagkanta ng banda na umaabot mula 9:00 pm hanggang 12:00 ng hating gabi. Nang sumapit ang gabi, naisipan namin na maglakad lakad sa tabi ng dagat at mag usap patungkol sa mga salitang hindi namin masabi sa kadahilanang hindi masyadong paguusap dala ng mga gampanin sa pag-aaral.
Sa maikling panahon na ako ay naparito sa lugar na ito ay nakadama ako ng katahimikan na 'di ko inasahan na kakailanganin ko at nalimot ko ang aking mga problema. Nalaman ko na sa kabila ng mga tambak na gawain at adiksyon sa social media ay may mga bagay tayong nakakalimutang pahalagahan. Ang mundo ay malawak, ibang iba ito sa mga nakikita natin sa internet at makikita lamang natin ang ganda nito kung ibababa natin ang ating mga gadget at simulang lumabas ng ating kwarto. Sabihin man nila na maliit lang ang lugar na ito kumpara sa iba ngunit malaki ang naitulong sa akin nito upang muling kilalanin ang aking sarili at magkaroon ng maayos na relasyon sa aking pamilya.
Hanggang muling pagkikita minamahal kong Bataan!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento