Intramuros : Isang Lugar Kung Saan Sumasayaw ang Kulay na may Kasaysayan
Intramuros : Isang Lugar Kung Saan Sumasayaw ang Kulay na may Kasaysayan
ni: Patrick Ivan Carasig
Ang kawili-wiling lugar ng Intramuros, na sumasalamin sa mga siglo ng kasaysayan at kultural na pamana, ay matatagpuan sa gitna ng Maynila sa Pilipinas. Halina't lakbayin ang makabuluhang kultural na pamana at makasaysayang halaga ng Intramuros.
Pumasok kami sa isang museo na mayroong ibat-ibang puwedeng entertainment sa loob at labas nito, kami ay pumunta sa 2nd floor at 3rd floor na mayroong magangadang tanawin (si kristina ang babae sa litrato hehe) at ang ibat-ibang parte ng intramuros. Tila ba ang gusali na ito ay paaralan noong unang panahon dahil muka itong silid-aralan sa loob at mayroon itong fountain sa gitna na napapalibutan ng matataas na pader ng lugar.
Umalis ako sa Intramuros pagkatapos ng isang araw na puno ng mga kwento ng determinasyon at pagmamahal sa makasaysayang lugar sa Pilipinas. Sa tuwing magbabalik-tanaw ako, ang Intramuros ay nagbigay sa akin ng mas malalim na pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng nakaraan sa paghubog ng hinaharap. Nagkaroon din ako ng oras para sa aking nililigawan hehehe, naidala ko sya sa lugar na kung saan sigurado akong babalikan namin sa hinaharap. Gusto ko syang dalhin sa mga lugar katulad ng Intramuros, dahil hindi lamang kami nagiging masaya sa aming paglalakbay, kundi na rin nagkakaroon kami ng bagong kaalaman na madadala namin hanggang pagtanda.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento