MAGANDANG TOURIST SPOT SA PANDAN, ANTIQUE
Magandang Tourist Spot sa Pandan, Antique
ni: Karryle Jane C. Palisoc
Isang bayan na kilala sa kanyang natural na atraksyon, kultura at kasaysayan. Hindi lamang isang simpleng bayan sa Visayas, ito rin ay isang paraiso na nagtataglay ng mga natatanging yaman ng kalikasan. Sa gitna ng malalagong puno at magandang karagatan, matatagpuan ang isa sa pinaka tanyag na lugar na tinaguriang Malumpati Cold Spring. ito ay matatagpuan sa Antique at isa sa tanyag na destinasyon na binabalik-balikan ng mga turista mula sa Korea, America atbp dahil sa kanyang tanyag na kagandahan.
Pag punta mo sa destinasyon, mapapansin mo ang magandang kalikasan na nagbibigay saysay sa kagandahan ng Malumpati Cold Spring. Ang malamig na tubig at malamig na simoy ng hangin ng kanilang kasaysayan at kultura ng kanilang bayan.
Sa pagtahak sa Malumpati Cold Spring na matatagpuan sa Barangay Guia, mga 15 minuto ang layo mula sa sentro ng bayan ng Pandan. Ang daan patungo sa Malumpati Cold Spring ay napapalibutan ng mga luntiang taniman, mga bukirin, at mga bundok na nagbibigay ng isang magandang tanawin para sa mga turista. Pagdating sa Malumpati, ang mga turista ay sasalubungin ng isang mala kristal na tubig, malawak at maaliwalas na tanawin/resort na may mga kubo, at mga duyan. Ang resort ay may mga pasilidad tulad ng palikuran at mga tindahan.
Ang pagtatampisaw sa tubig ng Malumpati ay hindi lamang isang simpleng paglilibang kundi isang kamangha-manghang karanasan. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdadala ng sariwang kagandahan ng kalikasan sa paligid, na nagbibigay inspirasyon sa sinumang pumupunta dito. Makakarinig ka ng kwento ng mga lokal na naninirahan sa lugar, nagpapahayag ng kanilang pagmamalaki sa Malumpati Cold Spring.
Pero higit pa sa kanyang pisikal na kagandahan, ang Malumpati Cold Spring ay simbolo rin ng yaman ng ekolohiya ng Pandan. Ang bawat puno at bawat halaman, na naninirahan ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng ekolohiya, at nagpapaalala sa atin na pangalagaan at protektahan ang ating kalikasan. Ang Malumpati Cold Spring ay hindi lamang isang magandang destinasyon para sa mga turista, ito rin ay isang testament sa kahalagahan ng kalikasan at kultura. Sa bawat pagbisita, hindi lamang mga magagandang tanawin ang iyong matatamasa, kundi pati na rin ang kultura at kasaysayan na nagbibigay buhay sa kanila. Sa pag-alon ng Malumpati Cold Spring, makakalimutan mo pansamantala ang ingay ng syudad at mararanasan mo ang katahimikan at kapayapaan ng kalikasan. Isang paglalakbay sa Pandan, Antique, kasama ang Malumpati Cold Spring, ay isang kakaibang karanasan na puno ng kagandahan at kahulugan.
Habang naglalakbay sa Pandan, Antique, hindi maiiwasan na maramdaman ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga tao sa kanilang bayan. Sa bawat ngiti, sa bawat kuwento, at sa bawat pagkakataon na makasalamuha sila, mararamdaman mo ang kanilang malasakit at pagmamahal sa kanilang lugar.
Sa aking pag-uwi, hindi lamang mga larawan at alaala ang aking dala. Dala-dala ko rin ang mga natutunan ko tungkol sa kahalagahan ng kalikasan, kultura, at kasaysayan. Ang Pandan, Antique Malumpati Cold Spring ay hindi lamang isang destinasyon, ito ay isang karanasan na nagpalawak ng aking pang-unawa at pagpapahalaga sa yaman ng ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento