Bakasyon sa kabilang panig ng Pilipinas


Christmas break, ayan ang na sa isip ko simula ng mag umpisa ang pasok namin sa ika-labing isang baitang. Bakit? dahil ang napagpasiyahan ng aking pamilya na mag-diwang ng pasko at bagong taon sa Island Garden City of Samal sa Davao city. Agad na nag book ng flight ang aking tita na naninirahan sa Samal. Ika-21 pa lang ng Disiyembre ay hindi na ako mapakali dahil sa nalalapit naming flight, ng araw din na iyon ay agad kaming pumunta sa Pampangga dahil sa CLARK Airport kami sasakay. Ang pagbyahe namin ay binubuo ng dalawang sakay ng eroplano dahil ang byahe na nag uumisa sa Pampangga ay kailangang mg connecting flight ng Mactan Cebu International Airport. Pumwesto ako sa upuan kung saan malapit sa bintana upang ma-enjoy ang magandang tanawin mula sa taas. 

Naging maayos ang byahe namin sa himpapawid at dumating sa Davao city ng alas tres ng hapon. Paglabas ng airport ay bumungad agad samin ang ganda at linis ng Davao, kitang kita ang disiplina ng mga mamayan nito. Upang makarating kami sa Samal ay sumakay kami ng maliit na barko o "Barge" upang makatawid ng isla. Sa pantalan pa lang ay maaaninag muna ang ganda nkabilang isla, habang na sa barko ay nabusog ang mata ko sa ganda ng dagat na bumati sakin. 


Mayroon pang isang oras na byahe simula sa pantalan upang makarating sa bahay ni tita ngunit di mo iindahin ang pagod sa ganda ng kapaligiran na iyong nadadaanan sa buong byahe. Pagdating sa kanila ay muling nag liwanag ang mata ko dahil sila ay tapat lang ng dagat, ngunit napagpasyahan naming magpahinga muna at bukas na maligo ng dagat.


Kinabukasan ay dito palang nag umpisa ang pagtuklas namin sa ganda ng Davao, una naming pinuntahan ang pinaka malapit na dagat kung saan na sa harap lang ito ng bahay. Buong pamilya namin ay naligo dito at nag baba na lang kami ng pagkain sa tabing dagat. Ang dagat ay di ganon kalalim
na ligtas para sa mga bata. Mayroon ding makikitang mga startfish at sea horse dito. Sumakay din kami sa bangkang pag-aari ng tito ko at inilibot ang isla ng Samal mula sa karagatan. Umpisa pa lamang ng aming bakasyon at sulit na sulit na.


Noong pasko naman ay pinuntahan namin ang isang sikat na beach resort sa Davao ang Kaputian Beach. Sa bukana pa lang ay kaayaya aya na makikita mo sa entrance ang isang dugong na naka preserba. Sa dagat
naman ay wala kang masasabi kundi positibo, napaka linis at napaka pino ngdagat. Habang kami ay naliligo ay bigla namang umulan kung san para sakin ay mas nagpaganda ng pagpunta namin doon dahil isa sa gusto kong gawin sa buhay ay ang maligo sa dagat habang umuulan. 






Paguwi naman ay isinama ako ng aking ate na pumunta sa Roxas night market, lugar kung saan naganap ang pangbobomba sa mga masahista. Wala ka talagang masasabi sa linis ng kapaligiran sa Davao kahit saan lumingon ay masasabi mong malinis dito kung ikukumpara mo sa Maynila. Dito ko natikman ang mga kakaibang flavor ng ice cream ang durian ice cream at charcoal ice cream. Para sa akin mas masarap ang charcoal ice cream dahil matamis ito at may kakaibang lasa kumpara sa ordinaryonh ice cream. Ang durian naman ay kakaiba rin ngunit hindi talaga ako mahilig sa durian. Ang sekyuridad rin sa night market ay mahigpit dahil sa mga nagyari sa lugar na ito, ngunit masasabi mo rin namang safe dito. Maraming mabibili dito mga souvenir na pwedeng pasalubong.

Ang panghuli naming pinuntahan ay ang Mapapac, isang lugar sa davao na mahigit 3 oras ang byahe mula sa airport. Pinuntahan namin ang lupang pag aari ng aking tita, ito ay matatagpuan sa mataas na lugar. Ang daan papunta dito ay nakakatakot dahil sa taas nito ngunit sulit na sulit naman pagdating sa tanawan na nakikita ko. Pumunta rin kami sa Anbang falls mahirap at nakakapagod man ang daan papunta dito ay sulit pa rin dahil sa ganda ng falls na nag aantay sayo, malamig ang tubig dito. Ito ang unang falls na napuntahan ko napakabait rin ng mga residente dito. 

Ang bakasyon naming ito ang isa sa masaya ang hinding hindi ko makakalimutan. Sa bakasyon na ito ay muli kong nakita ang mga kamag anak namin na inabot na ng ilang taon bago kami magkita kita ulit. Ang bakasyon na rin ito ang naging dahilan upang muli kong mayakap ang aking lola. Ang bakasyon na ito ang isa sa pinaka
importanteng pasko sa buhay ko dahil ang paskong ito ang huling pasko na kasama ko ang aking lola. Ang bakasyon na ito ay punong puno ng masasayang alaala na aking babalik-balikan hanggang sa aking pagtanda.


Mga Komento

Kilalang Mga Post